"A Second Chances" Dinirecta ni:Cathy Garcia Molina Ang pelikulang ito ay tungkol sa pitong taon na pagsasama nila Popoy at Basha bilang mag-asawa. Sa pelikulang ito pinapakita ang tibay ng samahan ng mag-asawa, at kung hangang saan ang tiwala nila sa isat-isa. Sa pagmamahalan ng mag-asawa ay hindi maiiwasan ang mga problema na sumusubok sa samahan nila. Sa relasyon nilang dalawa ay muntik na silang mawalan ng tiwala sa isat-isa dahil sa mga problema na dumarating sa kanila. Sa buhay mag-asawa, kailangan pinagpaplanohan ng dalawa ang pagawa ng malalaking disesyon. Bago sila ikasal ay nakatangap ng alok si Popoy na mahing enhinyero sa Europe ngunit mas pinili niyang manatili sa Pilipinas upang gampanan ang pagiging asawa kay Basha at bumuo ng pamilya. Kahit tinangihan nya ang alok na yon hindi nawala sa kanyang isip ang pagiging e...