"A Second Chances"
       Dinirecta ni:Cathy Garcia  Molina

    Ang pelikulang ito ay tungkol sa pitong       taon na pagsasama nila Popoy at Basha bilang mag-asawa. Sa pelikulang ito pinapakita ang tibay ng samahan ng mag-asawa, at kung hangang saan ang tiwala nila sa isat-isa. Sa pagmamahalan ng mag-asawa ay hindi maiiwasan ang mga problema na sumusubok sa samahan nila. Sa relasyon nilang dalawa ay muntik na silang mawalan ng tiwala sa isat-isa dahil sa mga problema na dumarating sa kanila.

Sa buhay mag-asawa, kailangan pinagpaplanohan ng dalawa ang pagawa ng malalaking disesyon. Bago  sila ikasal ay nakatangap ng alok si Popoy na mahing enhinyero sa Europe ngunit mas pinili niyang manatili sa Pilipinas upang gampanan ang pagiging asawa kay Basha at bumuo ng pamilya. Kahit tinangihan nya ang alok na yon hindi nawala sa kanyang isip ang pagiging enhinyero at dahil dito napagplanohan nila ni Basha na magtayo ng negosyo na konektado sa pagiging enhinyero ni Popoy at pagiging architekto ni Basha.

Dumating ang araw na natupad na ang kanilang pangarap na makapagtayo ng negosyo. Maganda ang simula ng kanilang negosyo at dahil dito ay mas umunlad ang kanilang buhay. Ngunit sa sobrang sipag ng mag-asawa ay nakunan si Basha. Lungkot na lungkot si Basha sa pagkamatay ng kanilang anak sa sinapupunan at unti-unting nagbago ang kanilang samahan. Hindi na nagtrabaho si Basha at si Popoy nalang ang nagtaguyod sa kanilang negosyo. Hindi kinaya ni Popoy na mag-isang nagtaguyod sa kanilang negosyo at nabaon ito sa utang. Itinago ito ni Popoy kay Basha sa loob ng tatlong taon. Nalaman ni Basha ang istado ng kanilang negosyo at ito ang rason kung bakit unti-unting nawala ang tiwala niya kay Popoy. Bumalik si Basha sa trabaho at inayos ang mga problema ng kanilang negosyo. Muntik na silang maghiwalay ngunit nangingibabaw parin sa kanila ang pagmamahalan at sila'y nagkabati.

Natutunan ko sa pelikulang ito ang pagtitiwala sa taong mahal mo. Manatiling nasa tabi ng mahal mo sa hirap man o ginhawa at samasamang haharapin ang problema na dumating at darating sa buhay mag-asawa. <3

Comments